Naglunsad siya ng concert na pinamagatang “The Great Unknown Unplugged” noong Novermber 29, 2016 sa Kia Theatre. Doon ay kaniyang pinerform ang kanyang pinakasikat ng mga kanta at pati na rin ang mga kanta mula sa album niyang “The Great Unknown”.
Hindi lamang puno ng kantahan ang gabing iyon sapagkat ang mga fans ay natuwa sa mga palaro ng mga sponsor ni Sarah. Nag-uwi rin sila ng mga pa-premyo kasama ng alaala ng masayang gabing iyon.
Sa kalagitnaan ng isang kanta, naging emosyonal si Sarah. Naiyak siya sa suporta, pagmamahal, at tiwala sa kaniya ng mga fans at ng kaniyang manager na si Vic Del Rosario.
Sabin i Sarah, “Sobra po yung paniniwala ng aking manager at ninyo pong lahat kaya napakaswerte ko .”
Sold out ang concert na ito ni Sarah. Siya pa nga ay kinabahan na baka hindi niya mapuno ang teatro.
“To each one of you who came here tonight, maraming maraming salamat pong muli. Ramdam ko at pinagdasal ko talaga na maging espesyal itong gabing ito.”
Isa sa highlights ng gabing iyon ay ang pagkanta ng duet ni Sarah kasama ang kaniyang ama na siyang nag-train sa kaniya para maabot ang kaniyang mga pangarap. Kinanta nila ang “Christmas in Our Hearts”.
Panoorin ang highlights ng hindi makakalimutang gabing iyon:
Magkakaroon din ng show si Sarah sa Iloilo sa darating na August 25.
Excited na rin ang lahat sa nalalapit na pagpapalabas ng comeback movie ng tambalang AshLloyd na “Finally Found Someone”.
0 comments:
Post a Comment